Saturday, December 27, 2008

Juvy is Not Here

She's in WORDPRESS.

Tuesday, April 12, 2005


lihim na ngiti Posted by Hello

Monday, April 11, 2005

puyat

lito ang isip
di makasabay sa mabilis na ikot ng mundo
nahihilo pa sa antok na nadarama
ng pusong kulang sa tulog

pikit ang mata
ngunit bukas pa rin ang diwa
pilit na inaaninag ang liwanag
sa kabila ng kalat nang dilim

kailangan nang matulog
ng kaluluwang lugami
ngunit pilit pa ring iminumulat
ang isip sa paligid..

ayokong matulog
nais kong abangan ang pagsikat ng araw
natatakot akong baka paggising ko
wala na ito at lubog na

di alintana ang paglalim
ng mga matang sanay sa dilim
dahan-dahan, maya-maya
pipikit na rin..

Monday, March 14, 2005

almusal

pupungas-pungas..
dahan-dahan akong nagmulat
naaninag ko ang sinag ng papasikat na araw
(kailangan nang bumangon.....)
(bangon.... bangon....)

nasinghot ko ang amoy ng umaga
mabango....
amoy gabi......
nalanghap ko pa ang amoy ng latak
ang amoy ng masangsang na kahapon...

unti-unti ako'y bumangon...
yapos ang unang kaniig ko
buong gabi... buong magdamag
ako'y nalilipos ng ligaya....
yakap ang aking unan...

liligpitin na ang higaan
(mawawala na ang bakas ng kahapon)
naririnig ko na ang nakaririnding
tilaok ng mga manok ng kapitbahay



ahh... ang bango ng almusal...

Wednesday, February 23, 2005

mulat

lumabas ako kaninang umaga... nakita ko ang ibon.. dahan dahan ko siyang nilapitan ngunit bigla itong lumipad, gaya ng paru-parong dahan-dahang lumilipad sa ating hardin... nagulat ako.. dahil nakita ko.. ang magandang liwanag na nagbubuhat sa kalangitan.. ang marahang pagdampi ng init ng araw... ang masuyong paghagod ng hangin.. kay sarap damhin ng isang maghapong tila walang katapusan.. malungkot dahil paparating na naman ang isang mahabang gabi.. ngunit.. lagi ay alam mong may isang umagang naghihintay....

Sunday, December 12, 2004

....panibugho.....

isang malalim na damdaming
hindi ko inakalang mararamdaman ko...
lumilipas ang panahon....
lalong lumalalim....
lalong sumisidhi..
ngayon ko napatunayan...
matindi...
isang malaking kahangalan ngunit
maiisip mo pa bang isang kahangalan
kung alam mong ang isang damdaming
tulad ng panibugho ay sumasaiyo....
walang kamalay-malay...
nakapasok sa aking isip...
hindi ko maintindihan...
hindi ko malaman kung saan ko ilalagay...
kung saan ko ilulugar...
malabo...
wala nang malinaw ngayon...
dahil malabong kulay...
lumabo...
dahil sa panibughong bumabalot....
tumatabing...
tumatakip sa king isipan..
sa king puso....
walang ibang nais kundi matigil ang kahangalang ito...
itigil na...

Wednesday, December 08, 2004

malubak..

mahirap ang buhay... madami tayong daan na tinatahak pero hindi natin alam ang patungo kung saan.. madalas may mga pagkakataong naliligaw tayo... nagkakaroon ng ibang daan... madaming paliko.. madaming pinapasok.. madming magagandang tanawin... madami din kasawiang makikita... minsan maari tayong makaharap ng isang sakuna at kung minsan naman ay maayos ang biyahe... may mga daang malubak.... may mga daang patag... minsan kelangan nating umakyat ng bundok... minsan kelangang bumaba.... lahat tayo may kanya-kanyang sasakyan.. sarili natin ang tsuper ... pwede kang makisabay sa iba.. pwede ka rin magsolo.... ikaw ang bahala kung san ka pupunta... walang traffic signs.. traffic lights... laging may intersection... wala ring MMDA o LTO na magsasabi sayo ng tama at mali... pero isang malaking vulcanizing shop ang buhay... pwede mong ayusin... pero di mo pwedeng baguhin... minsan traffic.. minsan apektado tayo pag may nasasakuna... madaming bus stop... pero may kanya - kanya tayong bus stop.... ikaw ang bahala kung saan at kelan ka titigil... isa lang ang sigurado... patuloy ang takbo ng mga gulong natin... bahala na kung saan umabot ang gasolinang ibinigay sa atin ng Maylikha....